У вашего броузера проблема в совместимости с HTML5
('tol pahiram nga ako ng gitara, tignan ko lang kung marunong pako....)
Hindi ba simula sa pagkabata tayo'y madalas na
Naghahabulan walang pakialam kahit na madulas ka
Ang sabi mo pa nga sa akin noon
"Kung hindi ka tanggap ng mga taga-rito halika sumama ka sa akin doon"
Sa bakanteng lote kung san maraming bote
At ang 'yong katabe ay nilalangaw na kamote
Kahit na ga'no kabaho ang talahiban na ating tambayan
Nagmistula 'tong tahanan ng kulitan at tawanan
Eh pa'no na yan gutom na'ko di na'ko makakatagal?
Ang sabi mo tayo'y magtapon-basura o di kaya ay mangapa sa kanal
O mangakal ng bote at bakal dun natin bebenta kay Nana Jule
Tsaka na lang tayo humanap ule kapag laman ng tiyan ay wala na ule
(Sa bawat tambayan, eskinita man o looban
Ay di mawawala ang tawanan at kalokohan
Sa mga pagsubok ng buhay ko di moko iniwanan
Okleng, isa kang tunay na kaibigan!)
Inuman tayo! Sige kaso wala 'kong pang abono
Ang mai-aambag ko lang ay ang kanta kong wala sa tono
Silong tayo sa'king kubo kase medyo umaambon
At pagsaluhan natin ang niluto kong Pancit Canton
At tsaka tokwa, kasama ka lagi pag istokwa
Lagi tayong puyat talo pa natin yung may insomnia
Yung gitara bukas mo na lang isole
Wag mo lang ilalayo baka makita ng may-are
Kain ng kain payat! Tapos tulog ng tulog puyat!
Hindi naten trip ang mag-aral diba kaya tayo ay nagpa-tattoo sa balat
(ISTAMBAY!) Pa-yosi yosi hindi ako sigurado
Kung bukas ay meron pa tayong mabo-bogchi
Kay Aling Syoni igib tayo tatlong timba
Hindi ba wala naman tayong hiya? Dun na tayo maligo sa gitna
Ng daan at kung pormahan sige sasabayan na kita
At ang suot nating damet at tsaka pantalon galing sa sampayan ng iba
At nung tayo'y magbinata tila lalong lumala
Ang kasalanan di na natin namalayan
Nakasanayan sating buhay laging merong kaguluhan
Ang kulungan nagmistula nating bahay-bakasyunan
At paglaya natin nagtatawanan pa nga tayo
Kase mga kalbo tayo para tayong albularyo
At natalo ako sa sugal, pwede pautang naman?
Di ka nagdalawang isip at ako'y pinagbigyan
Andito na! Andito na ang kaibigan ko!
Andito na! Andito na ang kaibigan ko!
Andito na! Andito na ang kaibigan ko
Na handang sumaklolo
Diba magne-negosyo tayo tapos magka-sosyo tayo
Sa sarili nating kumpanya ay mga bosyo tayo
Dahil minsan nangarap tayong dalawa na maka-ahon sa hirap
Pero papaano????
Lumipas ang ilang buwang
Hindi na tayo nagkita wala nakong balita sayo
Kamusta na anong lagay meron bang bago?
Nakaka-miss din pala tarantadong talentado kong kaibigan
Teka nagtext si Yo
Isang masamang balita na ikinasama ng aking loob
At hindi ko napigilan ang pagluha ng mata
Nang mabasa kong patay ka na pala
Mabilis ang mga kaganapan di na namin naagapan
May mga usap-usapan na wala ka na
Tang-ina! Hindi magandang biro yan
Sinong nanakit sayo turo mo saken sino dyan?
Kung sino pa yung mabait na nilalang ay sya pa ang pinaslang
Dapat di na lang ikaw iba na lang
Sa dami ng mga pinagsamahan natin ay pano ko tatanggapin?
Na ang damo na iniwanan mo sakin ay mag-isa ko na lang lalanghapin?!
Iniwan na, iniwan nako ng kaibigan ko
Iniwan na, iniwan nako ng kaibigan ko
Iniwan na, iniwan nako ng kaibigan ko
Isa sa mga matalik na kaibigan ko
Hindi kita malilimutan yan ang iyong tandaan
Andito ka sa aking puso at kung nasaan ka man
Ay sigurado na hindi ka maka-yosi't makatagay
Kase nga alam ko naman na sa langit ka nakatambay