Written & Performed by: Rhondee x Ibrahim x Jpee x Majestic x Racob x GFAB
Produced | Mixed & Mastered | Visuals by: GFAB
Recorded at: Good Boy Music
[HOOK - GFAB]
Oh sinta, lika't dadalhin kita, kung san tayong dalawa
Ay may palaging direksyon walang siguro nga
Balang araw, ating matatanaw, matamis nating araw-araw
Pangako walang bibitaw
[Rhondee]
Siguro nga ngayon ay di ko pa mabigay sayo
Mga pinangarap natin na sabay na binuo
Lahat ng iyong gusto, ano man ang naisin mo
Kakayanin basta para sayo
Ikaw ang dahilan kung ba't na inspira
Walang imposible pag nandito ka
Lahat kakayanin pag kasama ka
Negatibong mga bagay ay nag iiba
Balang araw ay dadalin kita sa paraiso tayo lamang dalawa
Sana hanggang dulo ikaw at ako ang mag sasama
[Ibrahim]
Aking sinta, sa akin ay magtiwala ka
Ang pangarap ko para sa ating dalawa ay tila masaya
Iyong ngiti, para sakin ay sobrang halaga
Napukaw mo ang puso ko kaya salamat nakilala kita
Ikaw ang babae na sakin ay mahalaga
Pinapangarap kita na balang araw na tayong dalawa
Ang magkasama sa hirap at ginhawa
Kahit anong mangyare nandito palage para lamang na mahalin ka
[HOOK]
Oh sinta, lika't dadalhin kita, kung san tayong dalawa
Ay may palaging direksyon walang siguro nga
Balang araw, ating matatanaw, matamis nating araw-araw
Pangako walang bibitaw
[Jpee]
Kapit ka lang sa akin di kita iiwan
Sabay nating damhin ang kaligayahan
Tunay na pag mamahal ang sayo'y ipapadama
Tanging tiwala lang mag papatibay sating dalawa
Ikaw lang palagi, ako lang palagi
Tayo lang palagi, satin mamalagi
At ang pagmamahala'y hindi magbabago
Ikaw lang palagi, ako lang palagi
Tayo lang palagi, satin mamalagi
At ang pangarap ko
Balang araw ikaw at ako
[Majestic]
Minsan ay napagtanto ko na karapat dapat ba kong mahalin mo
Wala man ako sa estado ng buhay na para sayo
Ay handa ako na tawirin harapin ang mga darating
Na pagsubok na kahit mahirap ay mararating
Nating Dalawa wag mabalisa hindi kita iiwan mahal
Balang araw ay makakamit din ang mga dasal
Di mag babago ang pagibig ko sayo sinta
Hangang sa dulo at hanggang sa ating pagtanda
[HOOK]
Oh sinta, lika't dadalhin kita, kung san tayong dalawa
Ay may palaging direksyon walang siguro nga
Balang araw, ating matatanaw, matamis nating araw-araw
Pangako walang bibitaw
[Rakob]
Ngayong atin ng nakamit ang pinakamahalagang sakramentong para satin
Hinihiling ko lang sa may kapal na sanay palagi pa rin tayo na patnubayin
Sa lahat ng oras at sa ating mga desisyon bawat hakbang san man tayo lagi na pumaroon
Ikaw at ako laging magkatuwang magkasama hanggang sa tayoy paglumaan ng pnahon
Simula pa lang naman, ay alam mo na wala kong yaman na pinang, hahawakan
Tanging lakas lamang ng loob para harapin ang bukas ang sandatang laging aking tangan tangan
Balang araw ay atin ding mabubuo mga pangarap na binuhusan ng pundasyon
Wag ka ng mag alin langan basta ako ang nagsabi sau tiyak na sinta mangyayari yon
[GFAB]
Ngayong napasakin ka
Mundong ito'y parang langit na
Wag ka lang bibitaw basta't kumapit ka
Dahil sinta, tatahakin natin to ng mag kahawak
Ang kamay, tayo'y mag lalakbay
Walang makakapigil sating dalawa
Balang araw ay, atin ding matutupad ang ating pangarap
Ating pangarap
[HOOK] 2x
facebook.com/ishyoboygfab/
© 2018 Good Boy Music