Saturday, 20 September, 2025г.
russian english deutsch french spanish portuguese czech greek georgian chinese japanese korean indonesian turkish thai uzbek

пример: покупка автомобиля в Запорожье

 

Manliligaw by Abaddon (Lyrics On The Description Page)

Manliligaw by Abaddon (Lyrics On The Description Page)У вашего броузера проблема в совместимости с HTML5
Manliligaw Abaddon Makinig ka sa akin sandali ng malaman mo kung ano ba talaga ang Nais kong sabihin sayo gusto ko sana manligaw sayo Kaso di ko alm kung pano ba uumpisahan ang mga bagay na to Kasi baka naman ako mapahiya kapag minadali Ang mga binabalak ko na pambobola sayo baka na masawi Halika na handa na ang banda dumungaw ka na sa bintana Habang hawak ko ay gitara pakinggan ang boses kong pangharana Akoy hihirit at wag mong sisihin pag hawak ko na ang mikropono Kung di mo ko marinig at di ka bumilib di iangat mo ang telepono Ako ay nasa linya makinig ka sa kin bago iba nais magpakilala Ako pala si abbadon isang tunay na pinagpala Dahil nakita ko na ang sagot sa aking mga katanungan Higit pa sa di ko batid ang iyong taglay na kagandahan Para bang isang diwata ikaw ang kulay sa aking talata Ikaw ang salita na di ko matibag sa bawat tugma ng kabanata Animo ay anghel isa kang liwanag sa landas na madilim Iyong binalik sa may pastulan na naligaw na tupang itim Salamat Pagkat ikaw walang iba Ang siyang nagbibigay sa akin ng sigla At kahit na alam ko na Para kang langit di ko maisip kung sa panong paraan Kung lalapitan ng mapadama ang pagmamahal kong ito Sanay malaman mo malaman mo Pagsuyo kong ito ay totoo Pinipilit kita na maabot langit at lupa man ang ating pagitan Pinipilit kong gumawa ng liham kahit ang sulat ko ay may kapangitan Pinipilit ko na makarating at maiparating sa iyo ang balita Anu man ang pilit ko anong saysay kung di mo nakita Manliligaw ako sa iyo kahit medyo halata na may bola Sinusuyo kita gamit ang salitang makulay na parang krayola Ginagawa ko ang lahat para lang maiparating sa iyo na Ang buong pagkatao ko at puso koy sayong-sayo na Kaya't tayo na sa inyong bahay ako ay aakyat ng ligaw Alam ko na batid mo na pero ang gusto koy malinaw Gusto ko ay legal hindi sa kanto tayo magkikita Kung sa tingin mo ay masama ang intensyon ko naku mali ka Malinis ang aking hangarin na parang sariwang hangin Kung ako ay papalarin na ikay mapasa akin Ay lahat ng iyong magustuhan sa loob ng sasakyan Walang daing na maririnig hinding-hindi kita sasaktan Pangako Pagkat ikaw walang iba Ang siyang nagbibigay sa akin ng sigla At kahit na alam ko na Para kang langit di ko maisip kung sa panong paraan Kung lalapitan ng mapadama ang Pagmamahal kong ito Sanay malaman mo malaman mo Pagsuyo kong ito ay totoo Dinala ko na ang lahat na rosas mula pa sa hardin ni adan at eba Sinaulo ko na ang lahat ng tula ng makata kahit ano man ang tema Sinuot ko na ang bagong damit wala na tong atrasan na wala ng teka Kabisado ko na ang mga kataga pahiram muna sandali ng iyong tenga Makinig ka sakin ng mabuti walang ingles puro tagalog Napakalakas ng aking dating sa aking suot kong barong tagalog Pwede ko bang mahawakan ang iyong kamay Isuot mo ang sing-sing na sing nipis man ng ting-ting Pero sa gitna ay merong bling-bling Alay ko sayo bilang tanda ng aking pag-ibig Kahit alam ko na ang langis ay di hahalo sa tubig Ano pa man ang sitwasyun meron pa rin akong paliwanag Ang pagtingin ko pra sayo parang araw na di matinag Paalam na di na kita kukulitin pa sa harap ng inyong tindahan Di na kita kakausapin pag tayoy nasa tambayan Di na kita ulit tatanawin di naman kita kasintahan Gusto ko kasal agad Kita na lang tayo sa simbahan Pagkat ikaw walang iba Ang siyang nagbibigay sa akin ng sigla At kahit na alam ko na Para kang langit di ko maisip kung sa panong paraan Kung lalapitan ng mapadama ang Pagmamahal kong ito Sanay malaman mo malaman mo Pagsuyo kong ito ay totoo (Repeat 3x)
Теги: Manliligaw Abaddon

Мой аккаунт