Isang pating, nag-takaw-tingin; nabulunan sa sarili niyang pagkain!
Ang pagkakaalam natin sa mga pating, ay sila ang paex predator ng dagat, dahil sa kanilang matalas na ngipin at dahil sila rin ay malakas kumain.
Pero may isang pating sa Australian coast ang natuto ng mahalagang leksiyon, kapag mas malaki ang iyong mata kaysa sa iyong tiyan.
Malakas ang senses ng mga pating. Maari silang makahuli ng kanilang pagkain mula sa layo na limang milya.
Ang pating na ito ay namataan ang isang juicy sea-lion...at nag-ala-ahas ito, at sinubukang kainin sa isang subo ang sea-lion!
Ang mga pating ay hindi tinuturuan ang kanilang mga anak kung paano nguyain ang kanilang pagkain, at kailangan nilang magpatuloy sa paglangoy para mapuno ng tubig ang kanilang mga gills. Ibig sabihin, ang pating na ito ay namatay dahil nabulunan siya sa sea-lion!
Nagtungo sa beach ang pating, na kaya ganito ang pagkilos ay dahil gusto niyang matanggal sa kanyang lalamunan o kung saan man, ang sea lion na masyado niya kasing mabilis na kinain.
Ayan tuloy...hindi niya na-enjoy ang kanyang merienda.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH