Louise delos Reyes is now a Viva artist; open to work for ABS-CBN
☆☆☆Subscribe please☆☆☆
Philippines News today : Entertaiment scandals
https://www.youtube.com/channel/UCRXucBPpho8HrGNUwNQkJPA
Louise delos Reyes is now a Viva artist; open to work for ABS-CBN
Pumirma si Louise delos Reyes ng five-year managerial contract sa Viva Artists Agency (VAA) noong nakaraang linggo.
Ito ay matapos nag-expire ang kanyang kontrata sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network, noong 2016.
Nang matapos ang kontrata niya sa GMA-7 ay nag-concentrate muna siya sa ibang bagay, lalo na ang pagsusulat ng lifestyle blogs.
Sa pocket presscon na inihanda para sa kanya ng VAA, sa Viva office, sa Tektite Building, Ortigas, Pasig City, kahapon, May 3, nagbigay ng pahayag si Louise kung bakit nagdesisyon siyang umalis sa bakuran ng GMA Network at lumipat ng ibang management team.
Pahayag niya, “This year din po kasi nag-expire ang contract ko.
“May option naman po ako na mag-try sa iba.
“Parang as an artist, I want to explore more, I want to experience, and meet new people.”
Paglilinaw pa ni Louise, “Pero my career with them [GMA], sobrang okay naman.
“Hindi naman porke't umalis, hindi na masaya.
“Happy naman kami nung magpaalam ako sa kanila, nung nagsabi ako.”
Handa na ba siya sa mas daring at mature roles, lalo na't marami ang naseseksihan sa kanya ngayon?
Sagot ni Louise, “Opo, kasi parang it comes with age na rin.
“I'm not saying na I'm super old, kasi I'm only 24, pero tapos na ako sa pa-tweetums.
“I'm saying na I'm not open with love teams, pero I want to be an actor, yung kabuuan ng pagiging artista itself.”
Dahil na rin sa koneksiyon ng Viva sa ABS-CBN, handa ba siyang mabigyan ng trabaho sa Kapamilya network?
Mabilis na tugon ng dating Kapuso star, “Opo, I'm very open with that idea.
“And I think, since I'm with Viva now, mailalagay nila ako sa tamang side.
“And I'm very open kahit saan nila ako ilagay.”
Sabi pa ni Louise, “I actually came from ABS-CBN- nung bata ako.
“Hanggang 12 years old, nandun ako, e.
“And then, nag-stop ako, kasi gusto kong mag-aral, e.
Louise Delos Reyes is now a Viva artist; open to work for ABs cbn
We are sorry for the inconvenience.
Because the account has been suspended
⇩⇩Other recommended news videos⇩⇩