Ina nagpa-picture kasama ang patay na asawa para magbabala sa panganib ng drug addiction - TomoNews
У вашего броузера проблема в совместимости с HTML5
CINCINNATI, OHIO — Isang ina sa Ohio na nabyuda ay nagselfie kasama ang mga anak nya sa tabi ng cubaong ng kanyang asawa. Nagselfie siya para magbabala sa publiko tungkol sa panganib ng paggamit ng droga.
Si Eve Holland ng Cincinnati ay nagpost ng kanyang selfie sa Facebook kasama ang bangkay ng kanyang asawa na si Mike Settles, at ang mga anak niyang si Ava at Lucas. Eto istorya niya:
Si Mike daw ay nagsimula sa painkillers at umabot sa heroin. Nagsisi si Mike sa kanyang pagka-addict sa heroin at siya ay nagpa-rehab nung 2014. Natapos ang rehab nung pasko at naging bagong tao si Mike. Siya ay naging mabuting asawa at ama. Tuluytuluyang naayos ni Mike ang kanyang buhay. Ang magpamilya ay naging masaya muli.
Ngunit nung nakaraang dalawang buwan ay uminom si Mike ng painkiller para sa sakit ng ngipin - ito ay muli nagdala sa kanya sa adiksyon.
Sinabi ni Mike na wala siyang adiksyon niya at hindi na niya kailangan magpa-rehab. Nagkamali si Mike at siya ay pumanaw nung Miyerkules.
Libo libo ang shares at mensahe ng suporta ang nakuha ni Holland sa Facebook.
Pero marami ay hindi sangayon sa pagselfie ni Holland. Sabi ng tita ni Mike sa isang TV station na naiintindihan niya na gusto magbigay ng mensahe si Holland pero hindi pa rin nila alam kung bakit namatay si Mike.
Ano sa tingin niyo? Tama ba yung selfie o hindi?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH