Malaking babae, binabayaran ng mga maliliit na lalake, para daganan sila!
Ikaw ba ay maliit na lalaking naghahanap ng malaking babae, para mas maramdaman mo ang iyong kaliitan? Meet Amazon Amanda!
Nagsubok na maging model si Amanda noong siya ay mas bata pa, pero nalampasan niya ang standard ng industriya, nang umabot siya ng tangkad na 6’3” at bust size na 44 double D.
May nag-suggest sa kanya na maging Amazon model, para sa mga maliliit na lalaking may hilig sa mas malalaking babae.
Si Amanda, na mula sa Idaho sa Estados Unidos, ay kumikita ng malaki para makunan ng mga litrato, habang dinadaganan niya ang mga lalake, o sinasamahan ang mga ito na lumabas at mamasyal.
Nakakatanggap din siya ng mga kakaibang request – may isang lalaking malapit nang mamatay ang gustong magbayad ng 50,000 dollars para daganan siya ni Amanda hanggang sa siya ay mamatay!
Tinanggihan ni Amanda ang death wish na iyon, pero base sa kanyang social media page at mga online na litrato, marami siyang mga happy customers.
Ayon kay Amanda, kahit nan a-a-arouse ang iba niyang mga customer sa kanilang mga sessions, hindi siya naghuhubad at hindi rin siya nag-aalok ng sex. Nagbabayad ang mga lalake para lang makasama siya.
Si Amanda ay may agency, at siya ay binu-book ng mga customers sa iba’t ibang sulok ng mundo. Pero sa kanyang personal na buhay ay nahihirapan siyang maghanap ng lalaking pwede niyang maka-relasyon. Kung meron lang sanang dating site para sa mg Amazonian na babae!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH