AGGIENISTA
by: Lorjun P. Suson
I. Masdan mo'ng ating kalikasan
Nangangailangan siya ng ating paglinang
Upang ito'y sumagana
At mga dayuha'y mahalina
Refrain:
Gumising ka't bumangon na
Tayo'y magtulungan, tayo'y magkaisa
Gumising ka't bumangon na
Ating kayamana'y walang kasing ganda
Chorus:
O, Aggienista isulong natin ang ating bandera
Sa lahat ng ating gagawin, lagi nating isipin na para sa atin
Ang mga pagsisikap, upang matustusan ang pangangailangan
Ng ating bayang, Pilipinas
II. Palawakin natin at pasiglahin,
Mga taniman ay huwag nating sirain
Kung gusto nating guminhawa,
Tayo'y mag-alaga ng mga hayop
At magbungkal ng lupa
Refrain:
Gumising ka't bumangon na
Tayo'y magtulungan, tayo'y magkaisa
Gumising ka't bumangon na
Ating kayamana'y walang kasing ganda
Chorus:
O, Aggienista isulong natin ang ating bandera
Sa lahat ng ating gagawin, lagi nating isipin na para sa atin
Ang mga pagsisikap, upang matustusan ang pangangailangan
Ng ating bayang,

Pilipinas, Pilipinas