Narito ang mga balitang ating tinutukan sa 24 Oras Weekend Express ngayong Linggo, February 2, 2020.
- Ikalawang kaso ng novel coronavirus sa bansa, 44-anyos na Chinese national, pumanaw dahil sa pneumonia
- Temporary ban sa mga biyahe papunta at galing China, Hong Kong at Macau, ipinag-utos ni Pangulong Duterte
- Mga hotel na pinupuntahan ng mga turista, doble higpit dahil sa banta ng nCoV
- Caticlan seaport, hindi pa rin gumagamit ng thermal scanners kahit may nCoV global health emergency
- Lalaking mukhang banyaga na nag-collapse sa kalsada, hindi tinulungan
- Bilang ng namatay sa China dahil sa 2019 nCoV ARD, mahigit 300 na
- Limang Chinese national na nagbebenta ng overpriced na surgical at N-95 masks, huli
- Ilang eskuwelahan sa Metro Manila, nagpapa-self quarantine sa kanilang mga estudyante at staff na bumiyahe abroad
- Tricycle na nag-U-turn, nasalpok ng rider ng motorsiklo
- Estudyanteng rider, pinagbantaan at muntik pang makaladkad ng kapwa-rider na nagpakilalang pulis
- Barker ng jeepney, patay matapos pagbabarilin
- Bahagi ng Skyway 3 na bumagsak dahil sa sunog kahapon, agad daw papalitan
- Tourism-related activities sa Cobrador Island, ipatitigil muna; mga dayuhang turista, bawal munang pumunta
- Mga estudyanteng naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano, balik-eskwela na bukas
- Mahigit P4-m halaga ng shabu, nakuha sa buy-bust operation; 3 arestado
- Driver, sugatan nang bumangga sa steel fence ang minamaneho niyang kotse
- Pampasaherong bus, nahulog sa bangin
- Kapuso couple Jak Roberto at Barbie Forteza, may winter adventure sa Japan
- Lalaki, gumamit ng balat ng suha bilang face mask
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras Weekend.
24 Oras Weekend is anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel, featuring top news stories from the Philippines. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.